ArtistDB

Song Lyrics

Narito ako umiibig

Laging tulala at ligalig

Heto na naman at halos 'di mapakali

Sa damdamin na pinakamimithi

Narito ako na lagi nang nakatingin

Sa mga ulap at bituin


Narito ako umaawit

Ng mga kundimang kay tamis

Napakataas lumilipad itong isip

Kalayaan ko aking inaawit


Narito ako na lagi nang nakatingin

Sa mga ulap at bituin

Puso't isip ko

Ay iisa ang hiwatig

Narito akong umiibig


May kutob akong pumipintig

Heto na sa wakas ang pag-ibig


Narito ako na lagi nang nakatingin

Sa mga ulap at bituin

Puso't isip ko

Ay iisa ang hiwatig

Narito akong umiibig