ArtistDB

Song Lyrics

Hoy hoy Buloy

Naalala mo pa ba nung tayo'y nagsasama


Hoy hoy Buloy

Naalala mo pa ba ang iyong mga sinabi

Nung ako'y may problema


Sabi mo lahat ng problema'y kayang lampasan

Basta't tayo'y nagsasama at nag-iinuman


Hoy hoy Buloy

Naalala mo pa ba nung ako ay ma-kickout

Kasi daw ako'y tanga (tanga)


Hoy hoy Buloy

Naalala mo pa ba nung ako ay napalayas ng aking ama't ina


Mangiyak-ngiyak na 'ko pero sabi mo ay ok lang yan

Basta't tayo'y nagsasama at mag-iinuman


Kaya naman ako bilib sa iyo

Kasi parang napakatibay mo

Lahat ng iharang ay kaya mong daanan

Basta't mayrong bentang alak diyan sa may tindahan.


Hoy hoy Buloy

Naalala mo pa ba nung araw na nadedo

Ang aso mong si Morlock

Hoy hoy Buloy

Naalala mo pa ba nung ika'y tumawag sa 'min

At ika'y umiiyak


Tapos pagkatapos non kay tagal mong nawala

Nagulat na lang ako nung narinig ko ang balita

Akala ko pa naman na marunong kang magdala

Nalaman ko na lang na ika'y nagpakamatay na


Hoy Buloy nasaan ka man

Siguradong kawawa ka malamang walang alak diyan

Hoy Buloy nasaan ka man

Siguradong hindi ka namin malilimutan


Hoy Buloy Buloy Buloy

Hoy hoy hoy Buloy Buloy Buloy

Hoy hoy Buloy

Para bang nalimot mo na

Ang iyong mga sinabi nung ikaw ay buhay pa